Biyahe Galing Trabaho #1

Habang nakasakay ako sa LRT pauwi, papuntang Mento, may napansin na naman ang aking mga mata na naisip kong ilagay sa trail ng blog kong “Biyahe Papuntang Trabaho” pero naisip ko na pauwi naman ako at mas mabuti na gumawa na lang ako ng panibagong blog trail na “Galing Trabaho” naman ang tema. Kaya ito ako ngayon nag-uumpisang gumawa ng blog items para sa temang ito.

This week yata yun, mga June 22, Monday nung pauwi na ako, medyo siksikan yung araw na yun ng mga pasahero pero bihira akong maka-encounter ng ganung sitwasyon sa LRT for the past 1.5 months na sumasakay ako. Hindi ko na hinintay ang ibang tren na medyo maluwag o yung skipped train sana para siguradong wala pang sakay. Meron kasing train na galing ng Baclaran na sa Buendia lang nagsasakay ng una.

Eh di tayuan, sumandal na lang ako sa isang sulok na hindi ako masyadong mabubunggo ng mga taong papalabas o papasok. Mga bandang UN station may taong nagbabasa ng book. Di ko sigurado kung estudyante yun, pero mukha naman. In short, naki-usyoso ako sa binabasa nung tao, nagulat ako nung nakita ko ang mga salitang mga mura sa bandang gitna nung page na binabasa “namin”. Talagang mga mura, purong mura at iba’t-ibang klase ng mura na isinisingit sa mga lines ng sentence. Eh di mas lalo akong na-curious, gusto kong malaman ngayon kung sino yung author nung book na yun. Hindi ko naman matanung yung tao dahil medyo nag-aalangan ako.

Hindi ako talaga makapaniwala sa nalaman ko, yung mga “mura” pala ay talagang ginagamit na “ingredient” sa mga books na katulad nun, o baka kahit na sa anong klaseng reading material ngayon. Nakakalungkot isipin, na yung tao na isa pa namang estudyante ay na-e-encounter yung ganung mga salita kahit sa mga babasahin, hindi lang pala sa personal na kung hindi sa mga tao sa labas ay pati sa loob ng bahay.

Iniisip ko na lang na sana yung ibang books na sinulat ng author na yun ay hindi katulad nung libro na yun. Napakahirap isipin para sa akin na ganun yung laman ng mga libro na mga sikat ang gumagawa, o baka naman dun talaga sila, pero sana hindi naman. Alam ko kasi sikat siya eh.

O sige na, bago ko makalimutan, ang author na nakita ko sa taas ng bawat pahina nung book/booklet ay si Bob Ong.

Say your words