Heto na naman po ako, nagsusulat ng talata para sa “Biyahe papuntang trabaho” at ito ang pangalawa.
Two months na nung huling entry ko dito sa blog ko at kailangan na sigurong mag-add entry na naman ako. Sobrang naging busy ako masyado the past two months na pati yung regular na pag entry ko sa isang forum site na dinadalaw ko regularly ay nakaligtaan ko na rin.
Pag LRT and kinukuha kong biyahe pauwi medyo mas matagal kaysa sa MRT. Hindi ito dahil sa mas makupad ang LRT na trains (dahil sa sobrang mas luma na?) kundi ito ay sa kadahilanang ang sakayan ng “FX” sa Monumento ay sobrang kupad kaysa sa sakayan ng “FX” sa North Edsa. Kaya kahit mas mahaba yung nilalakad ko papunta sa MRT Taft Station sa EDSA ay dun pa rin ako sumasakay. Ay sus, grabe ginoo ko, inaabot ako ng 30 minutes to 45 minutes para makasakay ng “FX” sa mento.
Pero pag papasok naman ako, LRT ako lagi kasi mas mabilis naman makasakay ng FX sa amin papuntang mento. Nung nag-umpisa ang pasukan nung Monday, june 15, na-late ako ng 45 minutes, waaaahhhh. Pero pareho lang ang oras ng alis ko sa bahay dati, ano naman ang dapat magbago di ba? Kung dati nag-aantay ng jeep sa amin ng pasahero ng matagal ngayon hindi na masyado, pero ganun pa rin kasi yung susunod nun dapat kasunod pa rin.
Ang magandang balita ito, dahil tayong mga Pinoy ay mahilig sa “Ningas-kugon”, nung Tuesday at mga sumunod na araw naging medyo mabuti-buti na ulit ang biyahe ko papuntang trabaho. Pero kung laging maagap ang mga tao hindi lang sa unang araw, siguro kinailangan kong magdagdag ng konting panahon ulit sa byahe ko papasok sa trabaho.
Oo nga pala, mabuti na lang may shuttle service yung building kung nasaan ang aming office. Salamat sa Panginoon, bawas P 7.00 sa araw-araw.