Mumunting Basura

Naaalala nyo ba yung advertisement sa TV na may mag-ama na magpapark something like sa isang building? Yung may nauna na matanda pero dahil sa mas mabilis yung tatay nung bata eh naunahan nya yung matanda sa pagpark sa slot na kung saan dun din ang tungo nung matanda?

Naisip kong gawin ‘tong entry na ito dito sa blog ko under “halo-halo:Salo-salo” habang binabasa ko yung mga entries sa topic na “Pilipinas Pano Ka Ba Aahunin” sa ULOP (http://www.ulop.net)

Nakakainis (sorry po sa salitang ito) pero ito ang nararamdaman ko pag may nakikita ako o mga taong nakakasabay ko sa mga public vehicles na nagtatapon ng basura, kahit mga mumunting basura sa bintana ng pampublikong sasakyan sa kalsada saan man abutin yung pagtapon nila. I also felt sorry about this people, that it seems they don’t know what just they have done, what will be the effect of this act in the long run.

Ang masama nito (gaya sa commercial na binanggit ko) ay kasama nila mga anak nila.  And the more, it’s them who instruct to their child to throw it out the window of the puv into the streets. Whew! Sana naman, sabi ko sa isip-isip ko hindi nila gawin ito sa harap ng mga bata o ng mga anak nila. Kung sasabihin nila na nakasanayan na nila o naka-”ugat” na sa kanila ang gawaing iyon, huwag naman sa nakikita ng bata.  Isipin sana nila na susunod na henerasyon ang anak nila na pedeng gumawa at gumaya sa nakita nilang gawain ng nakakatanda sa kanila.

Maraming beses na akong nakakakita ng ganitong sitwasyon ilang beses sa isang linggo kung minsan araw-araw.  Kung tutuusin pede naman ibulsa muna ang mga mumunting basura na ito habang nakasakay sa sasakyan o hawakan naman kung imposibleng maibulsa.  Konting panahon sa paghihintay para maibasura sa basurahan, konting minuto o oras para mailagay sa tamang paglalagyan, konting tiyaga para makaiwas sa mas malala pang problema na idudulot nito sa hinaharap. Nagfa-flash back tuloy sa akin ang mga tambak-tambak na basura sa mga lansangan sa Metro Manila.

Sana maisip nila ito, sana maisip natin ito.

Syempre sa puntong ito, nagtatanong na kayo, “ginagawa nya kaya ito. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko pero pinipilit kong gawin ito sa tuwing nandun ako sa mga sitwasyong ganun at nagtatagumpay naman ako. Kung kaya ng isa, dalawa o tatlong tao, sigurado kaya din ng maramihan hanggang ang lahat ay masanay sa ganitong tamang gawain.

Oo nga pala, malapit na ang Earth Hour (March 28, 2009, 8:30pm-9:30pm), ito ay isa sa mga gawaing maitutulong natin sa ating mahal na bansa, sa ating mundong ginagalawan.

Say your words